Mga Pangkalahatang Katanungan
T: Sino ang nagbebenta ng serbisyo?
S: Ang serbisyo ay ibinebenta sa pamamagitan ng mga aprobadong partner. Para sa listahan ng mga aprobadong partner, tingnan ang www.onefollowme.com/signup.aspx.
T: Kailangan ko ba ng isang kontrata ng service provider?
S: Hindi. Ang mga tawag ay magagawa sa pamamagitan ng Voice over IP (VoIP) technology.
T: Magkano ang halaga ng isang mobile device na may Windows Mobile?
S: Ang mga mobile device na i-mate JASJAM at JAQ3 ay maaaring ibenta sa pagitan ng 24,500 – 35,000 PHP ($500 - $750 USD). Ang iPAQ Voice Messenger ay maaaring ibenta sa pagitan ng 14,000 – 24,500 PHP ($300 - $500 USD). Ang mga presyong ito ay pwedeng magbago sa dahilang ang mga ito ay nakasalalay sa modelo ng mobile device, sa nagbebenta, independent distributor, o employer na ginagawang available ang mga mobile device.
T: Ang One Follow Me program ba ay gumagana sa iba pang mga mobile device?
S: Ang OFM ay maaaring gumana sa iba pang Windows Mobile device; gayon man, iyon lamang mga device na aprobado ng One Follow Me ang masusuportahan.
T: Maaari ko bang panatilihin ang aking kasalukuyang numero ng mobile phone/SIM card?
S: Oo. Ang handset ng Windows Mobile ay hindi naka-lock at magagamit sa anumang SIM card.
T: Maaari ko bang parehong tawagan ang mga land line at mobile phone gamit ang One Follow Me?
S: Oo, makatatawag ka sa parehong uri ng telepono gamit ang iyong mobile device.
T: Magagamit ko ba ang mobile device habang ako ay nasa Pilipinas?
S: Oo, ang mobile device ay gagana saan man sa mundo.
T: Bakit ang One Follow Me ay gumagana lamang sa mga mobile device na may Windows Mobile?
S: Ang software na One Follow Me ay partikular na dinivelop para gamitin sa mga handset ng Windows Mobile. Ang mga dual mode mobile device na ito ay nilagyan ng kasangkapan na Wi-Fi at cellular radio na magpapahintulot sa iyo para makagawa ng voice calls sa pamamagitan ng wireless Internet.
T: Kailangan ko ba ng computer at saka mobile device?
S: Hindi, kailangan mo lamang ng isang mobile device para magamit ang serbisyo. Gayon man, ang iyong mga kaibigan at pamilya ay maaaring mangailangan ng computer at koneksyon sa Internet para mapakinabangan ang lahat ng mga tampok ng komunikasyon ng serbisyo.
T: Gaano kaaga na maaari kong asahang makuha ang aking mobile device?
S: Ang inaasahang delivery ng iyong mobile device ay di-depende sa iyong lokasyon at ng distributor. Paki-check sa iyong local distributor para sa eksaktong panahon ng delivery.
T: Saan ako makakakita ng impormasyon sa warranty para sa aking mobile device?
S: Paki-refer sa impormasyon ng warranty na kasama ng iyong device. Ang impormasyon ng warranty ay matatagpuan din sa dulo ng gabay sa user at sa link ng warranty sa Web page na ito.
Para sa mga katanungang teknikal at tulong, makipag-ugnayan sa support center sa iyong bansa.
| Bansa | Toll Free Number |
| United Kingdom | +44-2088197481 |
| Italya | +39-0240708198 |
| Espanya | +34-917715113 |
| Pilipinas | +632-914-4967 |
| USA | +1-800-356-9161 |
Ang sumusunod na impormasyon ng warranty ay tumutukoy sa mga mobile device para gamitin sa Serbisyong One Follow Me mula sa Microsoft. Ang Microsoft ay hindi mananagot o aako ng responsibilidad sa mga warranty claim sa mga mobile device. Ang mga warranty claim at proseso ay partikular sa tagagawa ng mobile device at/o sa mga tindahan kung saan binili ang device.
Sa ibaba, pakit-tingnan ang listahan ng mga aprobadong tagagawa ng mga mobile device, kung saan ka makakakuha ng kasalukuyang impormasyon sa pagproseso ng warranty and claims. Para sa pinakabagong listahan ng mga aprobadong device at impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa mga tagagawa, paki-bisita ang www.onefollowme.com. Inirerekomenda na makipag-ugnayan ka sa iyong binilhan, kung posible, para sa mga warranty claim bago pa makipag-ugnayan sa mga tagagawa ng mobile device.
Tagagawa: i-mate
Bisitahin ang Web site ng suporta.
Tagagawa: ASUS
E-mail rma@asus.com o bisitahin ang Web site ng suporta.
Tagagawa: Dopod
Bisitahin ang Web site ng suporta.
Tagagawa: HP
Bisitahin ang Web site ng suporta.